Break Time Jokes
Ryan | Saturday, September 5th, 2009 | 2 Comments »Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag long quiz po kami today.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.
____________________________
Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!
_____________________________
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado ‘yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.
_____________________________
Dear Dodong,
Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk…
Nagmamahal – Nanay
_____________________________
MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Lokong pusa yan! Kundi ko siya sinundan, di ako nakauwi!
______________________________
PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!
_______________________________
Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton ‘SUGAR FREE.’
_______________________________
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo ‘tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba ‘yun? Nakalagay nga dito: ‘for 3 years & up’!
________________________________
Tomas: Pare sobrang taba ko na kaya gusto kong magbawas ng timbang. Nag-horseback riding ako…
Jorge: Ano’ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo ‘yung kabayo!
_________________________________
Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!
________________________________
If you have more of this kindly send me a copy. Good stress reliever….


Cool Pastor..hahah
GWpkFS deeveyohsfal, [url=http://pgwanulurksb.com/]pgwanulurksb[/url], [link=http://tjwxwwwfleep.com/]tjwxwwwfleep[/link], http://tpzzlnaiwjce.com/